BICOL
Ang Kabikulan ay isa sa 17 mga rehiyon ng Pilipinas, na tinatawag din bilang Rehiyon 5. Binubuo ang Kabikulan ng limang lalawigan sa Tangway ng Bikol, ang pinakatimog-silangang bahagi ng pulo ng Luzon, at ng dalawang pulong lalawigan malapit sa tangway. Ang Lungsod ng Legazpi ang kabisera, sentro ng pulitika at administrasyon ng rehiyon, samantalang ang Lungsod ng Naga naman ang sentro ng relihiyon, edukasyon, ekonomiya, industriya at ekonomiya sa rehiyon.
Ang Bicol express ay isang popular na ulam ng mga Pilipino sa distrito ng Malate, Maynila pero gawa sa tradisyunal na Bicolanong istilo ng pagluluto. Ito ay isang stew na gawa sa mahaba o panjangin sa salitang Malay o Indonesian, gata, shrimp paste o stockfish, sibuyas, karne ng baboy at bawang. Ito ay sinasabing nagmula sa gulay na may lada na isa pang pagkaing bikolano na ngayon ay ihinahanda bilang isa sa mga uri ng bikol express.Ang bikol express ay ipinangalan sa isang pampasaherong tren mula sa maynila papunta sa rehiyon ng bikol sa Pilipinas para sa maanghang nitong luto.
CAR
Ang Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (opisyal: Cordillera Administrative Region, CAR) ay isangrehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang Luzon na binubuo ng mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet,Ifugao, Kalinga at Mountain Province. Sakop ng rehiyon ang halos lahat ng lupain ng Kabundukan ng Cordillera, ang pinakamataas na bulubundukin sa Pilipinas. Ito lamang ang rehiyon sa Pilipinas na hindi napaliligiran ng tubig. Ang rehiyong ito ang tirahan ng mga katutubong tribong tinatawag na Igorot.
oong 18 Hunyo 1966, naisabatas ang Republic Act No. 4695 na naghahati sa Mountain Province sa apat na magkakahiwalay na mga lalawigan, ang Benguet, Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao.
Bago nabuo ang ang Rehiyon Pampangasiwaan ng Cordillera, ang apat na lalawigan, ang Benguet, Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao ay bahagi ng Lambak ng Cagayan, samantalang ang Abra ay nakapangkat saIlocos.
Noong 15 Hulyo 1987, iniutos ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Executive Order No. 220 na lilikha sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera, na kinabibilangan ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at isinama ang lalawigan ng Abra bilang bahagi nito.
Noong 14 Pebrero 1995, ang lalawigan ng Kalinga-Apayao, isa sa limang lalawigan ng rehiyon ay hinati sa dalawang magkahiwalay na lalawigan, ang Apayao at Kalinga.
CALABARZON
Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na mga lalawigan: Cavite, Laguna,Batangas, Rizal at Quezon. Ang mga lalawigan na ito ay mga lalawigan ng Rehiyon IV-A na nasa pangunahing isla ngLuzon. Ito ang acronym ng mga nabanggit na mga lalawigan.
Ang rehiyon na ito ay nasa Timog-kanlurang Luzon,timog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at pumapangalawa sa pinaka-mataong rehiyon.
Ang CALABARZON at MIMAROPA kasama ang lalawigan na Aurora ay dating magkasama bilang Timog Katagalugan hanggang ito ay paghiwalayin sa bisa ng Executive Order No.103, noong ika-17 ng Mayo 2002.
Sa bisa ng Executive Order No. 246, na nilagdaan noong ika-28 ng Oktubre 2003, ang Lungsod ng Calamba ay itinalagang sentrong pang-rehiyon ng CALABARZON.
REGION III- GITNANG LUZON
Ang rehiyon ng Gitnang Luzon ay binubuo ng pinakamalaking kapatagan sa Pilipinas at ang gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa. Kaya ito ay binansagang Rice Bowl of the Philippines. Ang mga lalawigan bumubuo dito ay ang Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at ang Zambales.
Palay ang pinakapangunahing produkto ng Rehiyon III dahil sa malawak na kapatagan nito. Pangunahing produkto rin ang tabako, asukal, mani, mais, kamote at sari-saring gulay. Mangga naman ang ipinagmamalaking produkto ng Zambales.
Tanso, pilak, zinc, ginto, sulfur at palay ang pangunahing produkto.
REHIYON NG ILOKOS
Ang Rehiyong Ilocos sa Pilipinas, tinatawag ding Rehiyon I, ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ngLuzon. Ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera at Lambak ng Cagayan ang hangganan nito sa silangan,Gitnang Luzon sa timog, at Dagat Timog Tsina sa kanluran.
llan sa mga produkto ng Rehiyon 1 ay buko, palay, mais, kamatis, mangga, saging, bulak, bawang, tabako, pagkaing-dagat at tubo.
Likas sa mga taga Ilocos ang pagtatanim ng pagmimina at palay. Nag-aalaga rin sila ng ibat-ibang klase ng hayop.
Region 1 at ang kanilang pangunahing produkto:
- Ilocos Norte - tabacco at bigas.
- Ilocos Sur - bigas, tobacco at pangingisda.
Ang Rehiyon 1 ay Ilocos Region at ang pangunahing produkto nila ay tabako.
Ang Rehiyon 1 - Rehiyon ng Ilocos ay kilala sa kanilang mga minahan ng ginto. Karamihan sa mga gintong alahas sa bansa ay galing Ilocos.
Ang ibang produkto ng Rehiyon 1 Ilocos ay palay o mga produktong agrikultural.
REHIYON XI
Ang Rehiyon ng Davao ay binubuo ng mga lalawigan ng Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental atCompostela Valley sa Pilipinas.Tulad ng Rehiyon IX at X, kabilang ang Rehiyon XI o Rehiyon ng Davao sa mga isinaayos na rehiyon ayon sa Executive Order No.36 ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Pangunahing produkto ng Rehiyon XI ay palay, tubo, mais, pinya, durian, kamote, kape, kasaba, troso, manok, puno ng lauan, saging at pagkaing dagat. Makukuha din dito ang ginto, tanso at chromite. Meron din silang narra, mayapis, apitong maguey, nikel, kobalt, sorghum.
REHIYON X
Ang Hilagang Mindanao (Ingles:Northern Mindanao) ay tinalagang ika-sampung Rehiyon ng Pilipinas. Binubuo ito ng limang mga lalawigan, ang Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis Oriental. Ang sentrong pangrehiyunal ay sa Lungsod ng Cagayan de Oro.
Ang mga pangunahing produkto ng Rehiyon X ay abaka, pinya, niyog, kape, palay, saging at lansones. Makakakuha rin dito ng matataas na uri ng kahoy tulad ng tangile, apitong, lauan, gihi at molave. Matatagpuan din dito ang malalaking deposito ng mineral tulad ng chromite, manganese, ginto, luwad, apog at bakal. Meron din silang baka at ube.
Sa Rehiyon X - Northern Mindanao ang kanilang mga produkto ay pinya, durian, palay, mais, saging, tubo, chromite, buko at mga pagkaing-dagat.
REGION VII
Ang Gitnang Visayas o Rehiyon VII ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Napapagitnaan ang rehiyon ng Dagat Sibuyan at Dagat Visayas. Binubuo ng iba't ibang pulo ang Rehiyon ng Sentral Visayas; sa mga pulong ito nakapaloob ang mga lalawigang bubuo sa rehiyon: Bohol, Cebu, Negroes Oriental, Siquijor. Kinapapalooban din ang rehiyon ng tatlong independyente lungsod sa usaping administraibo ito ang amg mga lungsod ng Cebu, Lapu-lapu at Mandaue na matatagpuan sa lalawigan ng Cebu.
Ang mga Lungsod na nasa rehiyon ay ang mga sumusunod[9]:
- Lungsod ng Tagbilaran, Bohol
- Lungsod ng Bogo, Cebu
- Lungsod ng Carcar, Cebu
- Lungsod ng Cebu, Cebu
- Lungsod ng Danao, Cebu
- Lungsod ng Lapu-lapu, Cebu
- Lungsod ng Mandaue, Cebu
- Lungsod ng Naga, Cebu
- Lungsod ng Talisay, Cebu
- Lungsod ng Toledo, Cebu
- Lungsod ng Bais, Negros Oriental
- Lungsod ng Bayawan, Negros Oriental
- Lungsod ng Canlaon, Negros Oriental
- Lungsod ng Dumaguete, Negros Oriental
- Lungsod ng Guihulngan, Negros Oriental
- Lungsod ng Tanjay, Negros Oriental
Kilalang produkto din ng Rehiyon VII ang mga biskuwit tulad ng rosquillos, pastillas de kasoy, otap, peanut kisses at dried mangoes. Bukod sa tubo, umaani din sila ng repolyo, kamatis, kapok, mais, kopra, palay, manguey, tabako, monggo, niyog, halamang-ugat, prutas tulad ng langka, mangga at sitrus.
Produkto rin ng Rehiyon VII ay ang mga mais, sugar cane, palay, mais, guitar lampshade, multi purpose boxes, coin purse, bamboo lampshade, handbags, memo holder, wall decors, fiberglass balls at cd/picture boxes.
REHIYON VI
Ang Kanlurang Visayas o Rehiyon VI ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Napapagitnaan ang rehiyon ng Dagat Sibuyan at Dagat Visayas. Binubuo ng iba't ibang pulo ang Rehiyon ng Kanlurang Visayas; sa mga pulong ito nakapaloob ang mga lalawigang bubuo sa rehiyon: Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental.
Ang mga Lungsod na nasa rehiyon ay ang mga sumusunod[9]:
- Lungsod ng Roxas, Capiz
- Lungsod ng Iloilo, Iloilo
- Lungsod ng Passi, Iloilo
- Bacolod, Negros Occidental
- Lungsod ng Bago, Negros Occidental
- Lungsod ng Cadiz, Negros Occidental
- Lungsod ng Escalante, Negros Occidental
- Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental
- Lungsod ng Kabankalan , Negros Occidental
- Lungsod ng La Carlota, Negros Occidental
- Lungsod ng Sagay, Negros Occidental
- Lungsod ng Silay, Negros Occidental
- Lungsod ng San Carlos, Negros Occidental
- Lungsod ng Sipalay, Negros Occidental
- Lungsod ng Talisay, Negros Occidental
- Lungsod ng Victorias, Negros Occidental
Ang politikal at administratibong sentro ng rehiyon ay ang Lungsod ng Iloilo.
Ang pinakapangunahing produktong agrikultural ng Rehiyon VI ay tubo at asukal. Ito ang nangunguna sa pag-aani ng tubo sa Pilipinas. Nandiyan din ang mais, buko, palay, saging at pagkaing-dagat.
No comments:
Post a Comment