Thursday 8 September 2016

BUWAN NG WIKA 2016


"Buwan ng Wikang Pambansa, Turismo at Kasaysayan 2016"



Ipinagdiwang noong nakaraang ika-dalawampu't tatlo ng Agosto, ika-dalawampu't libo at labing anim na taon ang Buwan ng wika sa Philippine State College of Aeronautics, ganap na alas otso ng umaga. Pinangunahan nina Ginoong Bernard Ramirez at ang panauhing pandangal na si Gng. Leonida S. Calagui na nagbigay ng magandang mensaheng magsisilbing inspirasyon ng bawat magaaral ng PhilSCA.

Isang programa ang inilathala ng mga kawani sa departamento ng Filipino, nagkaroon ng mga kubol na nagrerepresenta ng iba't ibang rehiyon na bumubuo sa Pilipinas na siyang minarkahan ng mga kawani at panauhin. Kasunod nito ang patimpalak na ginanap sa lukob na palaruan sa loob ng paaralan. Iba't ibang pista na ipinagdiriwang sa ibang ibang sulok ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment