Thursday, 8 September 2016

ISTASYON NG BAWAT REHIYON



BICOL



Ang Kabikulan ay isa sa 17 mga rehiyon ng Pilipinas, na tinatawag din bilang Rehiyon 5. Binubuo ang Kabikulan ng limang lalawigan sa Tangway ng Bikol, ang pinakatimog-silangang bahagi ng pulo ng Luzon, at ng dalawang pulong lalawigan malapit sa tangway. Ang Lungsod ng Legazpi ang kabisera, sentro ng pulitika at administrasyon ng rehiyon, samantalang ang Lungsod ng Naga naman ang sentro ng relihiyon, edukasyon, ekonomiya, industriya at ekonomiya sa rehiyon.


Ang Bicol express ay isang popular na ulam ng mga Pilipino sa distrito ng Malate, Maynila pero gawa sa tradisyunal na Bicolanong istilo ng pagluluto. Ito ay isang stew na gawa sa mahaba o panjangin sa salitang Malay o Indonesian, gata, shrimp paste o stockfish, sibuyas, karne ng baboy at bawang. Ito ay sinasabing nagmula sa gulay na may lada na isa pang pagkaing bikolano na ngayon ay ihinahanda bilang isa sa mga uri ng bikol express.Ang bikol express ay ipinangalan sa isang pampasaherong tren mula sa maynila papunta sa rehiyon ng bikol sa Pilipinas para sa maanghang nitong luto.



CAR


Ang Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (opisyal: Cordillera Administrative RegionCAR) ay isangrehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang Luzon na binubuo ng mga lalawigan ng AbraApayaoBenguet,IfugaoKalinga at Mountain Province. Sakop ng rehiyon ang halos lahat ng lupain ng Kabundukan ng Cordillera, ang pinakamataas na bulubundukin sa Pilipinas. Ito lamang ang rehiyon sa Pilipinas na hindi napaliligiran ng tubig. Ang rehiyong ito ang tirahan ng mga katutubong tribong tinatawag na Igorot.

oong 18 Hunyo 1966, naisabatas ang Republic Act No. 4695 na naghahati sa Mountain Province sa apat na magkakahiwalay na mga lalawigan, ang BenguetMountain ProvinceIfugao at Kalinga-Apayao.
Bago nabuo ang ang Rehiyon Pampangasiwaan ng Cordillera, ang apat na lalawigan, ang BenguetMountain ProvinceIfugao at Kalinga-Apayao ay bahagi ng Lambak ng Cagayan, samantalang ang Abra ay nakapangkat saIlocos.
Noong 15 Hulyo 1987, iniutos ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Executive Order No. 220 na lilikha sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera, na kinabibilangan ng Mountain ProvinceBenguetIfugaoKalinga-Apayao at isinama ang lalawigan ng Abra bilang bahagi nito.
Noong 14 Pebrero 1995, ang lalawigan ng Kalinga-Apayao, isa sa limang lalawigan ng rehiyon ay hinati sa dalawang magkahiwalay na lalawigan, ang Apayao at Kalinga.

CALABARZON



Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na mga lalawiganCaviteLaguna,BatangasRizal at Quezon. Ang mga lalawigan na ito ay mga lalawigan ng Rehiyon IV-A na nasa pangunahing isla ngLuzon. Ito ang acronym ng mga nabanggit na mga lalawigan.
Ang rehiyon na ito ay nasa Timog-kanlurang Luzon,timog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at pumapangalawa sa pinaka-mataong rehiyon.
Ang CALABARZON at MIMAROPA kasama ang lalawigan na Aurora ay dating magkasama bilang Timog Katagalugan hanggang ito ay paghiwalayin sa bisa ng Executive Order No.103, noong ika-17 ng Mayo 2002.
Sa bisa ng Executive Order No. 246, na nilagdaan noong ika-28 ng Oktubre 2003, ang Lungsod ng Calamba ay itinalagang sentrong pang-rehiyon ng CALABARZON.

REGION III- GITNANG LUZON



Ang rehiyon ng Gitnang Luzon ay binubuo ng pinakamalaking kapatagan sa Pilipinas at ang gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa. Kaya ito ay binansagang Rice Bowl of the Philippines. Ang mga lalawigan bumubuo dito ay ang AuroraBataanBulacanNueva EcijaPampangaTarlac at ang Zambales.

Palay ang pinakapangunahing produkto ng Rehiyon III dahil sa malawak na kapatagan nito. Pangunahing produkto rin ang tabako, asukal, mani, mais, kamote at sari-saring gulay. Mangga naman ang ipinagmamalaking produkto ng Zambales.

Tanso, pilak, zinc, ginto, sulfur at palay ang pangunahing produkto. 

REHIYON NG ILOKOS



Ang Rehiyong Ilocos sa Pilipinas, tinatawag ding Rehiyon I, ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ngLuzon. Ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera at Lambak ng Cagayan ang hangganan nito sa silangan,Gitnang Luzon sa timog, at Dagat Timog Tsina sa kanluran.

llan sa mga produkto ng Rehiyon 1 ay buko, palay, mais, kamatis, mangga, saging, bulak, bawang, tabako, pagkaing-dagat at tubo.

Likas sa mga taga Ilocos ang pagtatanim ng pagmimina at palay. Nag-aalaga rin sila ng ibat-ibang klase ng hayop.
Region 1 at ang kanilang pangunahing produkto:

  • Ilocos Norte - tabacco at bigas.
  • Ilocos Sur - bigas, tobacco at pangingisda.
Ang Rehiyon 1 ay Ilocos Region at ang pangunahing produkto nila ay tabako.

Ang Rehiyon 1 - Rehiyon ng Ilocos ay kilala sa kanilang mga minahan ng ginto. Karamihan sa mga gintong alahas sa bansa ay galing Ilocos.
Ang ibang produkto ng Rehiyon 1 Ilocos ay palay o mga produktong agrikultural. 

REHIYON XI



Ang Rehiyon ng Davao ay binubuo ng mga lalawigan ng Davao del SurDavao del NorteDavao Oriental atCompostela Valley sa Pilipinas.Tulad ng Rehiyon IX at X, kabilang ang Rehiyon XI o Rehiyon ng Davao sa mga isinaayos na rehiyon ayon sa Executive Order No.36 ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Pangunahing produkto ng Rehiyon XI ay palay, tubo, mais, pinya, durian, kamote, kape, kasaba, troso, manok, puno ng lauan, saging at pagkaing dagat. Makukuha din dito ang ginto, tanso at chromite. Meron din silang narra, mayapis, apitong maguey, nikel, kobalt, sorghum.

REHIYON X



Ang Hilagang Mindanao (Ingles:Northern Mindanao) ay tinalagang ika-sampung Rehiyon ng Pilipinas. Binubuo ito ng limang mga lalawigan, ang BukidnonCamiguinLanao del NorteMisamis Occidental, at Misamis Oriental. Ang sentrong pangrehiyunal ay sa Lungsod ng Cagayan de Oro.

Ang mga pangunahing produkto ng Rehiyon X ay abaka, pinya, niyog, kape, palay, saging at lansones. Makakakuha rin dito ng matataas na uri ng kahoy tulad ng tangile, apitong, lauan, gihi at molave. Matatagpuan din dito ang malalaking deposito ng mineral tulad ng chromite, manganese, ginto, luwad, apog at bakal. Meron din silang baka at ube.


Sa Rehiyon X - Northern Mindanao ang kanilang mga produkto ay pinya, durian, palay, mais, saging, tubo, chromite, buko at mga pagkaing-dagat.

REGION VII



Ang Gitnang Visayas o Rehiyon VII ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Napapagitnaan ang rehiyon ng Dagat Sibuyan at Dagat Visayas. Binubuo ng iba't ibang pulo ang Rehiyon ng Sentral Visayas; sa mga pulong ito nakapaloob ang mga lalawigang bubuo sa rehiyon: BoholCebuNegroes OrientalSiquijor. Kinapapalooban din ang rehiyon ng tatlong independyente lungsod sa usaping administraibo ito ang amg mga lungsod ng Cebu, Lapu-lapu at Mandaue na matatagpuan sa lalawigan ng Cebu.
Ang mga Lungsod na nasa rehiyon ay ang mga sumusunod[9]:

Kilalang produkto din ng Rehiyon VII ang mga biskuwit tulad ng rosquillos, pastillas de kasoy, otap, peanut kisses at dried mangoes. Bukod sa tubo, umaani din sila ng repolyo, kamatis, kapok, mais, kopra, palay, manguey, tabako, monggo, niyog, halamang-ugat, prutas tulad ng langka, mangga at sitrus. 

Produkto rin ng Rehiyon VII ay ang mga mais, sugar cane, palay, mais, guitar lampshade, multi purpose boxes, coin purse, bamboo lampshade,  handbags, memo holder, wall decors, fiberglass balls at cd/picture boxes.


 REHIYON VI



Ang Kanlurang Visayas o Rehiyon VI ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Napapagitnaan ang rehiyon ng Dagat Sibuyan at Dagat Visayas. Binubuo ng iba't ibang pulo ang Rehiyon ng Kanlurang Visayas; sa mga pulong ito nakapaloob ang mga lalawigang bubuo sa rehiyon: AklanAntiqueCapizGuimarasIloilo, at Negros Occidental.
Ang mga Lungsod na nasa rehiyon ay ang mga sumusunod[9]:
Ang politikal at administratibong sentro ng rehiyon ay ang Lungsod ng Iloilo.

Ang pinakapangunahing produktong agrikultural ng Rehiyon VI ay tubo at asukal. Ito ang nangunguna sa pag-aani ng tubo sa Pilipinas. Nandiyan din ang mais, buko, palay, saging at pagkaing-dagat.

MGA PISTA



PISTA NG MASSKARA


Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas.

Unang ginanap ang MassKara Festival bilang panghalili sa kinagawian nang pagdiriwang sa Bacolod na kinatatampukan ng parada ng mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang musikal tuwing anibersaryo nang pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng krisis sa naturang bayan.
Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng “mukha.” MassKara rin ang lokal na tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang malaking parte nang pagdiriwang.
Ang konsepto ng pagsasama ng mga salitang “mass” at “kara” ay nagmula sa dating pangulo ng Asosasyong Pang-sining ng Bacolod na si Ely Santiago, na sinuportahan naman ng dating tagapangasiwa sa turismo ng lungsod na si Romeo Geocadin at dating puno ng Kagawaran ng Turismo sa Negros Occidental na si Atty. Evelio R. Leonardia. Mula sa isang konsepto ay ipinagdiwang ang unang MassKara Festival noong 1981.
Makalipas ang tatlong taon, itinigil ang pagdiriwang ngunit dahil na rin sa pagsisikap ni Leonarida, nakakalap ang lungsod ng suporta mula sa pamahalaan at mga pribadong sektor upang maipagpatuloy ang pagdiriwang taun-taon.

Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabing maskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga residente ng Bacolod bilang lungsod ng mga ngiti.

Kinikilala ang MassKara bilang isa sa pinakamalaki at pinakamagarbong piyesta sa bansa. Kinakatawan na rin ng MassKara ang Pilipinas sa iba't ibang malalaking selebrasyon sa Asya, tulad ng Chinggay Festival sa Singapore, Lunar Festival sa Hongkong, International Tourism Festival of Shanghai sa Tsina at sa Midosuji Fetival Parade of Osaka sa Japan. Nakamit ng MassKara ang unang gantimpala sa Midosuji Festival para sa kategoryang kinabibilangan ng mga banyagang bansa.

Bahagi ng pagdiriwang ang ilang mga kompetisyon sa pagsasayaw sa kalsada, kung saan lahat ng kalahok ay nakasuot ng makukulay na maskara at magagarbong pananamit. Kasama rin sa pagdiriwang ang patimpalak para sa pinakamagagandang binibini mula sa lungsod, ang MassKara Queen. Mayroon ring mga karnabal, mga kompetisyong pampalakasan at mga konsyerto.

MARIKINA SHOE FESTIVAL


Ang siyudad na ito ay nabuhay sa mahabang panahon sa pamamagitan ng paggawa ng sapatos. Ito ang kanilang pangunahing industriya, at sila ang pinakamalaking tagapag-luwas ng sapatos sa ibang bansa. May ilang malalaking pagawaan ng sapatos sa ilang lugar, tulad ng Cebu, ngunit walang tatalo sa husay ng mga taga-Marikina.
Ang Marikina ay dating bayan ng lalawigan ng Rizal. Pero dahil sa mabilis na pag-akyat ng ekonomiya nito, ito ay naging urbanisadong munisipalidad at hindi naglaon ay naging isang siyudad.
Napapagitnaan ang Marikina ng Quezon CityPasig City at bayan ng Cainta sa Rizal. Ang mainam na lokasyong ito ay isang magandang salik kung bakit madaling maabot ng kanilang mga produkto ang merkado at mga tindahan.

Naging matagumpay ang Sapatos Festival simula nang una itong ipinagdiwang noong 2002 sa ilalim nang mahusay na pamamalakad ni Mayor Ma. Lourdes Fernando. Ang pista, na unang ipinagdiwang noong Oktubre 15 hanggang Nobyembre 30, 2002, ay naglalayong ibunsod ang mahigit isang daang taon nang industriya ng paggawa ng sapatos. Sa loob ng isang buwang selebrasyon, ipapakita ang historikal, kultural at ekonomikal na pag-unlad ng industriya ng sapatos sa mga nakalipas na taon.
Isa itong selebrasyon ng husay at sining ng mga sapatero ng Marikina. Binibigyang halaga at pagpupugay ng kapistahan ang kanilang pagod at pagsusumikap upang patuloy na buhayin ang malikhaing paggawa ng matitibay at de kalidad na sapatos.
Makukulay na mga sapin sa paa sa iba't ibang anyo, hugis at laki ang makikita kapag ipinarada na ang kanilang mga produkto sa siyudad. Ilang patimpalak, konsiyerto at mga pagtatanghal ang ginaganap sa lumulutang na entablado sa ilog at sa Roman Garden sa Marikina River Park. Layunin ng mga programang ito na ipagmalaki ang mga gawang sapatos ng lungsod.
Nagiging matagumpay ang mga pista dahil sa pakikipagtulungan ng Marikina Cultural, Tourism, Trade & Investment Promotions Office (MCTTIPC), lokal na pamahalaan, ilang sponsor, at mga mamamayan ng lungsod ng Marikina.

SIBUG-SIBUG FESTIVAL


Ang Pista ng Sibug-Sibug ay isang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan ng Sibugay tuwing ika-26 ng Pebrero. Ginagawa ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan. Pangunahing atraksyon ng nasabing selebrasyon ang pagsasayaw sa kalsada na may temang etniko, kabilang na dito ang mga ritwal na nagpapakita ng magandang ani, kasal at mga nakapagpapagaling na ritwal.



Bahagi ng pagdiriwang ang pagpapakilala sa pangunahing produkto ng lalawigan, ang talaba. Kilala ang Sibugay bilang pinagkukunan pinakamalalaking talaba na maaaring makuha sa bansa. Sa loob ng dalawang linggong selebrasyong ito, ginaganap sa bayan ng Ipil ang pinaka-aabangang bahagi ng pagdiriwang, ang Talaba Longest Grill. Dahil dito, naisusulong ng mga taga-Sibugay ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan. Dahil na rin sa pagdiriwang, itinanghal ang Zamboanga Sibugay na mayroong World's Longest Talaba Grill at kinilala ang lalawigan bilang Talaba Capital ng Pilipinas.
Kabilang din sa pagdiriwang ang ilang lokal na atraksyon at tradisyon na makikita sa isang Western Subanen cultural show. Magpapamalas ang mga Subanen ng mga ritwal para sa pakikipagdigma, kasal at panganganak. Ang mga Subanen ay ang mga taong unang nanirahan sa Zamboanga.



SINULOG FESTIVAL


Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.



Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos ng tubig." Itinutukoy dito ang sulong-urong na lakdaw padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang mga mananayaw ay kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa tiyempo ng tambol.



Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Sinulog ay sinasayaw na ng mga Filipino sa Cebu sa kanilang pagbibigay-bunyi sa kanilang mga anito. Noong dumating Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 mga katutubo ang ninais na mabinyagan bilang Katoliko. Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Niño sa asawa ni Rajah Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Niño sa mga taga-Cebu kundi ito din ay naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Niño na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.
Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Niño. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng Sinulog, sa pagsamba sa mga anito hanggang sa pagbubunyi kay Santo Niño ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi.
Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung saan ito nadiskubre. Ipinangalan ito na San Agustin Church hanggang pinalitan ito sa Basilica Minore del Santo Niño.
Ang debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas. Ang mga pilgrimo ay naglalakbay taon-taon sa Basilica upang makilahok sa prusisyon at sa kapistahan. Noong 1980, ang lokal na pamahalaan ng Cebu ay nangasiwa sa pagsasaayos ng Sinulog festival. Ang direktor noon ng Ministry of Sports and Youth Development na si David S. Odilao, Jr., ay nagtatag ng grupo ng mga estudyante at tinuruan sila ng sayaw ng Sinulog kasabay sa tiyempo ng tambol at pinagsuot ng moro-moro costumes upang makilahok sa pinakaunang parada ng Sinulog. Sa tagumpay ng pinakaunang kapistahan, ang event na ito ay isinagawa kada-taon.
Ang iba pang bersyon ng Sinulog ay makikita sa iba't-ibnag parte ng Cebu. Dahil sa commercialization ng pistang ito, ang Cebu ay ang nangungunang destinasyon ng mga turista tuwing buwan ng Enero sa Pilipinas.

ATI-ATIHAN FESTIVAL



Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.
Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.


oong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan, ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging kahawig ang mga Ati.
Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot na buhok, at ang salitang "Ati-atihan" ay may ibig sabihin na "Maging katulad ng isang Ati." Ang kapistahang ito, tulad din ng Sinulog sa Cebu, ay itinuturing na "Ina ng mga Pista sa buong Pilipinas" kung saan ginaya ang selebrasyon na ito sa ibang parte ng Pilipinas tulad sa:
  • Dinagyang sa Iloilo
  • Halaran sa Capiz
  • Binilirayan sa Antique
  • Maskarahan sa Bacolod
  • At sa iba pang barangay sa Aklan, Antique at Capiz.
Ang Ati-atihan dati ay isang pagan festival at ito ay unti-unting nagkaroonng kahulugang pang-Kristiyano noong dumating ang mga misyonaryo. Sa ngayon, ang ati-atihan ay ipinagdiriwang sa pagbibigay bunyi kay Santo Nino.

PANAGBENGA FESTIVAL



Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista.
Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.


Ang Pisa ng Pangbemga ay kadalasang naguumpisa sa tradisyonal na sayaw ng mga taga Cordillera na kung tawagin ay, Cañao. Ilan sa mga aktibidad na dinadayo ng mga libo-libong turista ay ang Bulaklak Rock Battle of the Bands, arts show, kumpetisyong ng skateboardin, pagpapalipad ng saranggola, search para sa Mr. and Ms. Baguio Flower Festival, parada ng banda, street-dancing at ang pamosong karosa ng mga bulaklak.


KAAMULAN FESTIVAL



Ang Kaamulan Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan ng Bukidnon tuwing ika-3 hanggang ika-7 ng Marso.

Ang salitang “kaamulan” ay nagmula sa salitang Binukid na “amul”, na nangangahulugan “tipunin”. Isa itong makabuluhang pagtitipon ng mga kasapi ng tribo sa Bukidnon. Maaari itong maging isang ritwal sa pagiging datu, isang seremonya sa kasal, isang pagdiriwang ng pasasalamat tuwing panahon ng ani, isang kasunduan sa kapayapaan o lahat ng mga ito.

Nagsimula ang unang pagdiriwang ng Kaamulan festival noong taong 1974 kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ni San Isidro Labrador. Naisipan ng lokal na pamahalaan na imbitahin ang mga katutubong tribo upang maging bahagi ng pagdiriwang at simula noon ay naging isa na itong tradisyon.

Ipinagdiriwang ang Kaamulan sa lalawigan ng Bukidnon, partikular sa lungsod ng Malaybalay, simula sa ikatlong linggo ng Pebrero hanggang ika-10 ng Marso. Bilang isang etnikong pagtitipon, ipinagdiriwang ng Kaamulan ang mga tradisyon at pinagmulan ng pitong tribo na orihinal na bumuo sa lalawigan ng Bukidnon. Ang mga tribung ito ay kinabibilangan ng Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon. Marami sa mga miyembro ng nasabing mga tribo ang nagtitipon-tipon na nakasuot ng mga hinabing kasuotan at mga aksesorya katulad ng mga hikaw, kwintas, pulseras, mga anting at iba pang adorno sa katawan. Nagsasayaw sila, kumakanta at gumagawa ng mga ritwal ng makakasama. Hindi tulad ng ibang mga pagdiriwang na puno ng magagarbong presentasyon at kinakailangang turuang umarte ang mga estudyante mula sa iba't ibang paaralan bilang miyembro ng mga katutubong tribo, ang Kaamulan ay kinatatampukan ng mga lehitimong miyembro ng iba't ibang tribo. Kilala ang Kaamulan para sa paggawa ng mga tunay na ritwal ng mga katutubo.
Ilan sa mga ritwal na ginagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ang pangampo, isang uri ng pagdarasal, ang tahulambong ho datu, isang pulitikal na ritwal para sa pagbibigay ng kapangyarihan bilang datu, ang panumanod, isang seremonya para sa mga espiritu, ang panlisig, isang ritwal para sa pagpapalayas ng mga masasamang espiritu, at ang kagsaba ho kabayo, isang tradisyon ng paglalaban ng mga kabayo.
Sa ilang mga gabi ng pagdiriwang naman ay ginagawa ang pagbigkas ng mga tradisyunal na tula, epiko at iba pang anyo ng literatura tulad ng olaginglimbayidangdangbayok-bayok,antokananangon at dasang.

LONGGANISA FESTIVAL




Ang longganisang Vigan na hango sa bersiyon na Mexican salami ay naging paborito nang ulam sa anumang okasyon, mula pa noong panahon ng mga Kastila.

Dahil sa kakaibang sangkap na inihahalo sa giniling na karne na gaya ng suka na mula sa tubo at native garlic, naging pangunahing livelihood ito ng mga Bigueño at ginawang kanilang One Town One Product (OTOP). Kinikilala na rin ngayon ang Vigan bilang top producer ng longganisa.

Nakadiskubre pa ng iba’t ibang putahe na ang sahog ay longganisa, kaya lalo itong naging mabili.

Tuwing ikatlong linggo ng Enero ay ipinagdiriwang ng Vigan ang kanilang pista na kumikilala sa kanilang patron na si Saint Paul The Apostle.




Ipinakilala sa kapistahan ang Longganisa Festival, na konsepto ni Mayor Eva Marie Medina at bawat taon ay pinaiigting ang mga programa at aktibidad, na ngayon ay maituturing na pinakamasaya at makasaysayang festival sa Ilokandia.

Sa street dancing ay bitbit ng mga mananayaw ang longganisa na sumisimbolo sa produkto ng mga Bigueño.

Bukod sa maraming tourist spots ng Vigan City ay walang humpay ang pagdating ng mga turista at hindi umuuwi na walang bitbit na pasalubong na longganisa sa kani-kanilang pamilya.

Karagdagang patok din sa food tourism ng Vigan ang kanilang ipinagmamalaking empanada, chichacorn, mga kakanin, at bagnet.


PISTA NG PAILAH



Ang Pila ay isang lugar kung saan makikita ang mayamang kultura at istruktura noong panahon ng mga Kastila. Ang mga tahanan at mga simbahan ay nanatiling nakatayo at nasa mabuting pag-aalaga ng gobyerno. Tinatawag din ang bayan na ito bilang “sleepy town” at “blessed town” dahil nakaligtas ang mga lumang tirahan at simbahan sa mga pagbomba ng mga Hapon. Ang mga bahay na ito ay kinilala bilang Historical Site. 


Sinasabi mayaman din ang Pila sa kanilang makulay  pista ito ay ang Pailah Festival – Ang pangalang PAILAH ay galing sa dating pangalan ng Pila, Laguna. Ang salitang “PAILAH” ay nanggaling din sa salitang Palay (Rice). Ang palay ay isa sa mga pangunahing produkto ng Pila. Isda (Fish), ang bayan ng Pila ay malapit rin sa lawa. Lilok Antique (Antique Carvings), hindi lang ang isda at palay ang kanilang pangunahing produkto dahil isa rin sa nagpakilala ng Pila ay ang kanilang handicraft products at mga wood carvings. At ang huli ay ang halaman (ornamental plants), isa rin sa produkto nila ang mga halaman na dinadala sa mga kalapit na bayan. Ang PAILAH Festival ay ginaganap tuwing Abril kung kailan masagana ang nakukuhang ani.